Tuesday, September 16, 2014

Sa Mga Sinaunang Kabihasnan,

Sa mga sinanunang kabihasnan,
                Abot hanggang kinasalukuyan ang aming pasasalamat sa inyong mga naiambag na kontribusyon sa mundo. Ang simpleng pagkamalikhain niyo ang nagtaguyod ng mga simple ngunit sobrang nakatutulong na mga prinsipyo sa buhay.
                Magsisimula ako sa Mesopotamia, pasaslamatan ko si Hammurabi sa kanyang mga ginawang batas na tinawag na Code of Hammurabi na hanggang ngayon ay nagiging batayan sa mga batas na inililikha ngayon. Ang kauna-unahang Sistema ng pagsulat na tinawag na Cuneiform na umusbong sa aming mga makabagong mga paraan ng pagsulat upang magkaroon ng komunikasyon at pagkakaintindihan. Ang mga naitaguyod rin na water clock, na pinagbasihan ng ating mga orasan ngayon, ang paggawa ng mapa na nakatulong sa paghahanap ng lokasyon sa mga lugar, ang sexagesimal system na ang pagbibilang  na nakabatay na 60 na nagging batayan din sa atimg mga orasan at ang astronomiya na hanggang ngayon na ipinaunlad at pinalawak.
                Sa Indus, ang kanilang Ayurveda o agham sa buhay ay naging batayan sa mga pagaaral ng medisina at kalusugan. Pamantayan ng bigat at sukat na hanggang ngayon ay ginagamit lalong lalo na sa pagkakalakal. Ang decimal system na hanggang ngayon ay ginagamit sa arithmetika at pera. Ang paggamot at pagbubunot ng ngipin. At ang halaga ng pi (3.1416) na sobrang nagamit sa arithmetika sa paghahanap ng kabuuuan ng isang bilog. Ang Taj Mahal na hanggang ngayon ay nakatayo pa at umaakit sa mga mata ng mga dayuhan na pumunta sa India. At dito pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism, Buddhism, Jainism, at Sikhism).
                Sa China, ang kanilang tinatawag na Feng Sui na nagsasabi ng iyong kapalaran na hanggang ngayon ay ginagawa ng mga Tsino at iba pang mga bansang naimpluwensyihan ng China. Paggamit ng silk o seda na pinanggawa ng mga damit, ang kalendaryo na ginagamit upang malaman ang araw, ang magnetic compass na hanggang ngayon ay ginagamit ng karamihan upang malaman ang direksiyon, ang seismograph, wheel barrow,  water clock, sundial, chopsticks, abacus na nagtaguyod ng mga sinaunang prinsipyo ng mathematika, pamaypay at payong.
                At ang mga Egyptians na gumawa ng kanilang sistema ng pagsulat na tinawag na hieroglyphics na ginamit sa komunikasyon at pagkakaintindihan sa paggitan ng mga tao. Sila rin ang nagtaguyod ng kaalaman sa geometry, medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto, kalendaryo na may 365 araw, at ang sagradong pagdiriwang. Meron din silang mga pinuno na tinatawag na Pharaoh na namumuno sa kanilang mga kaharian. Sila rin ang gumawa ng mga pyramind para sa mga Pharaoh na hanggang ngayon at nakatindig parin at isa sa Wonders of the Ancient World.
 Lahat ng inyong mga kontribusyon ay aming naramdaman ng mabuti, nagdulot ng ligaya, luwag sa mga kasikipan at sagot sa aming mga problema. Hinding hindi naming kayo malilimutan lalo na ang inyong mga naitaguyod na kaalaman sa ating mundo. Walang sawa at lubos na pasasalamat ang aming pinapakita sa inyo dahil sa inyong mga magagandang nagawa para sa mundo.
                                                                              Ang kumikilala ng inyong mga kontribusyon,

                                                                                                                                                                                                                                                                                                               Icee

6 comments: