Wednesday, September 17, 2014

Liham Pasasalamat


Magandang araw!


          Una sa lahat, syempre ay nais kong pasalamatan kayong mga tao sa sinaunang kabihasnan na napakalaki ang naiambag sa iba't-ibang aspeto ng aming pamumuhay sa kasalukuyang panahon. Ang masasabi ko na para sakin ay ang pinakamahalaga na inyong naiambag sa amin aya ang anyong tubig na  ilog. Ilog ang napili ko sapagkat noong unang panahon pa man ay ito na ang napagkukunan ninyo ng iba't-ibang likas yaman na nakatulong sa pag-unlad ng inyong trabaho, dito rin kayo nakakukuha ng tubig na maaari ninyong inumin,at sa ilog din kayo kumukuha ng inyong mga pagkain para sa pang araw-araw ninyong pamumuhay. Ang isa pa sa aking lubos na pinasasalamatan ay ang sistema ninyo sa pagsulat. Halimbawa na nga rito ay ang hieroglyphics ng Egypt at ang cunieform ng mga Sumerians. Bakit? Dahil kung hindi dahil sa mga ito ay malamang hindi kami marunong magsulat ngayon at kung natuto man kami ay hindi naman kami magkakaintindihan.

            Ako ay lubos na natutuwa sa inyong mga naimbento o naiamabag sa ating lipunan noong kayo ay nabubuhay pa sa mundong ito. Dahil sa inyo, kami ay tuluyan ng umunlad sa iba't-ibang aspekto ng aming pamumuhay. Marami kaming mga bagay ngayon na napakikinabangan dahil sa inyo na amin pang sinusubukan na mapaunlad pa lalo nang sa gayon ay mapakinabangan din ng susunod pa sa amin na henerasyon. Sana ay hindi namin kayo nabigo sa pagpapanitiling buhay ng inyong mga bagay na nagawa at iniwan sa amin na talaga namang malaki ang naitulong sa aming lahat. Binabati ko kayo sapagkat ang mga nagawa ninyo sa amin ay talaga namang kahanga-hanga. Muli, Maraming Salamat sa inyo!



                                                                                                      Lubos na Gumagalang,                                                                                                            Janieca Q. Soriano

No comments:

Post a Comment