Thursday, September 18, 2014

Salamat!

   
        Aming mga ninuno,
              Ako'y bumabati ng isang magandang araw! Nais kong magpasalamat sa lahat ng inyong na-diskubre at binahagi sa aming mga kaalaman na aming pinalawak at pinaunlad. Ang mga tradisyon at religion na inyong ginagawa at pinapaniwalaan ay aming napalawak din. Pati na rin ang ibang bagay tulad ng Cuneiform o kauna-unahang sistema ng pagsulat, ay aming napagbasihan upang mapadali ang edukasyon, sa trabaho at sa iba't-iba pang aspeto. Ang isa pang sistema ng pagsulat ay hieroglyphics  o "sagradong ukit" sa Egypt ay nakatulong  sa pagbuo namin ng konklusyon na pwede kaming magkaroon ng kommunikasyon sa pamamamagitan ng mga simbolo.
              Ang isa pang nakatulong sa amin ay ang Code of Hammurabi na pinatupad ni Hammurabi. Ito ang aming naging basihan ng mga batas ngayon. Isipin na lang natin kung walang batas.
             Marami pang bagay ang napaunlad namin at kami'y lubusang nagpapasalamat sa pagbabahagi ng mga ito. Salamat.



                                                                                                       Lubusang nagpapasalamat,
                                                                                                                     
                                                                                                                  Roxane Cahu


Wednesday, September 17, 2014

Liham Pasasalamat


Magandang araw!


          Una sa lahat, syempre ay nais kong pasalamatan kayong mga tao sa sinaunang kabihasnan na napakalaki ang naiambag sa iba't-ibang aspeto ng aming pamumuhay sa kasalukuyang panahon. Ang masasabi ko na para sakin ay ang pinakamahalaga na inyong naiambag sa amin aya ang anyong tubig na  ilog. Ilog ang napili ko sapagkat noong unang panahon pa man ay ito na ang napagkukunan ninyo ng iba't-ibang likas yaman na nakatulong sa pag-unlad ng inyong trabaho, dito rin kayo nakakukuha ng tubig na maaari ninyong inumin,at sa ilog din kayo kumukuha ng inyong mga pagkain para sa pang araw-araw ninyong pamumuhay. Ang isa pa sa aking lubos na pinasasalamatan ay ang sistema ninyo sa pagsulat. Halimbawa na nga rito ay ang hieroglyphics ng Egypt at ang cunieform ng mga Sumerians. Bakit? Dahil kung hindi dahil sa mga ito ay malamang hindi kami marunong magsulat ngayon at kung natuto man kami ay hindi naman kami magkakaintindihan.

            Ako ay lubos na natutuwa sa inyong mga naimbento o naiamabag sa ating lipunan noong kayo ay nabubuhay pa sa mundong ito. Dahil sa inyo, kami ay tuluyan ng umunlad sa iba't-ibang aspekto ng aming pamumuhay. Marami kaming mga bagay ngayon na napakikinabangan dahil sa inyo na amin pang sinusubukan na mapaunlad pa lalo nang sa gayon ay mapakinabangan din ng susunod pa sa amin na henerasyon. Sana ay hindi namin kayo nabigo sa pagpapanitiling buhay ng inyong mga bagay na nagawa at iniwan sa amin na talaga namang malaki ang naitulong sa aming lahat. Binabati ko kayo sapagkat ang mga nagawa ninyo sa amin ay talaga namang kahanga-hanga. Muli, Maraming Salamat sa inyo!



                                                                                                      Lubos na Gumagalang,                                                                                                            Janieca Q. Soriano

Tuesday, September 16, 2014

Sa Mga Sinaunang Kabihasnan,

Sa mga sinanunang kabihasnan,
                Abot hanggang kinasalukuyan ang aming pasasalamat sa inyong mga naiambag na kontribusyon sa mundo. Ang simpleng pagkamalikhain niyo ang nagtaguyod ng mga simple ngunit sobrang nakatutulong na mga prinsipyo sa buhay.
                Magsisimula ako sa Mesopotamia, pasaslamatan ko si Hammurabi sa kanyang mga ginawang batas na tinawag na Code of Hammurabi na hanggang ngayon ay nagiging batayan sa mga batas na inililikha ngayon. Ang kauna-unahang Sistema ng pagsulat na tinawag na Cuneiform na umusbong sa aming mga makabagong mga paraan ng pagsulat upang magkaroon ng komunikasyon at pagkakaintindihan. Ang mga naitaguyod rin na water clock, na pinagbasihan ng ating mga orasan ngayon, ang paggawa ng mapa na nakatulong sa paghahanap ng lokasyon sa mga lugar, ang sexagesimal system na ang pagbibilang  na nakabatay na 60 na nagging batayan din sa atimg mga orasan at ang astronomiya na hanggang ngayon na ipinaunlad at pinalawak.
                Sa Indus, ang kanilang Ayurveda o agham sa buhay ay naging batayan sa mga pagaaral ng medisina at kalusugan. Pamantayan ng bigat at sukat na hanggang ngayon ay ginagamit lalong lalo na sa pagkakalakal. Ang decimal system na hanggang ngayon ay ginagamit sa arithmetika at pera. Ang paggamot at pagbubunot ng ngipin. At ang halaga ng pi (3.1416) na sobrang nagamit sa arithmetika sa paghahanap ng kabuuuan ng isang bilog. Ang Taj Mahal na hanggang ngayon ay nakatayo pa at umaakit sa mga mata ng mga dayuhan na pumunta sa India. At dito pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism, Buddhism, Jainism, at Sikhism).
                Sa China, ang kanilang tinatawag na Feng Sui na nagsasabi ng iyong kapalaran na hanggang ngayon ay ginagawa ng mga Tsino at iba pang mga bansang naimpluwensyihan ng China. Paggamit ng silk o seda na pinanggawa ng mga damit, ang kalendaryo na ginagamit upang malaman ang araw, ang magnetic compass na hanggang ngayon ay ginagamit ng karamihan upang malaman ang direksiyon, ang seismograph, wheel barrow,  water clock, sundial, chopsticks, abacus na nagtaguyod ng mga sinaunang prinsipyo ng mathematika, pamaypay at payong.
                At ang mga Egyptians na gumawa ng kanilang sistema ng pagsulat na tinawag na hieroglyphics na ginamit sa komunikasyon at pagkakaintindihan sa paggitan ng mga tao. Sila rin ang nagtaguyod ng kaalaman sa geometry, medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto, kalendaryo na may 365 araw, at ang sagradong pagdiriwang. Meron din silang mga pinuno na tinatawag na Pharaoh na namumuno sa kanilang mga kaharian. Sila rin ang gumawa ng mga pyramind para sa mga Pharaoh na hanggang ngayon at nakatindig parin at isa sa Wonders of the Ancient World.
 Lahat ng inyong mga kontribusyon ay aming naramdaman ng mabuti, nagdulot ng ligaya, luwag sa mga kasikipan at sagot sa aming mga problema. Hinding hindi naming kayo malilimutan lalo na ang inyong mga naitaguyod na kaalaman sa ating mundo. Walang sawa at lubos na pasasalamat ang aming pinapakita sa inyo dahil sa inyong mga magagandang nagawa para sa mundo.
                                                                              Ang kumikilala ng inyong mga kontribusyon,

                                                                                                                                                                                                                                                                                                               Icee

Liham Pasasalamat



Minamahal naming ninuno,

        Kami ay nagpapasalamat sa inyong mga naiambag sa ating kasaysayan. Salamat sa kulturang ibinahagi niyo. Sa mga tradisyong ipinalaganap niyo. Salamat sa mga bagay na hanggang ngayon ay nananatili pa at mas pinapaunlad pa ng mga tao sa kasalukuyan. Salamat sa pag-aambag ng inyong mga kabihasnan tulad na lang ng sistema ng pagsulat, pati na din ang mga batas na inyong ipinatupad at pati na din ang mga sagradong lugar na hanggang ngayon ay iniingatan at pinapahalagahan namin.
       
        Hindi namin makakalimutan ang inyong mga ibinahagi sa ating kasaysayan. Umasa kayong patuloy namin itong papaunlarin kasabay ang pagpapahalaga at pag-iingat namin dito.



Lubos na nagpapasalamat,
Diana Paula Catubo       





Monday, July 28, 2014



Pagpapahalaga sa mga Pamana ng Ating Mga Ninuno
   
   Noon, ang mga tao ay wala pang kamalayan sa mga bagay sa kanilang paligid. Nagsisimula pa lang silang tumuklas ng mga bagay na kanilang makikita sa kapaligiran na pwede nilang gamitin sa kanilang kabuhayan at iba pang aspekto ng pamumuhay.
 Sa kasalukuyan, ang mga natuklasan ng ating mga ninuno ay ating nagagamit sa pangaraw-araw nating pamumuhay. Pinapaunlad pa natin ang mga ito gamit ang mga makabagong mga bagay.
 Sa hinaharap, ating inaasahan na mas papaunlarin pa ang mga pamana ng ating mga ninuno. inaasahan natin na hindi ito maglalaho at papahalagahan pa rin ito ng mga susunod pang mga henerasyon.


Tuesday, July 8, 2014


Kahalagahan ng Pamana (Diana Paula Catubo)


Ang pamana sa kasaysayan ay isa sa mga pinakamahalagang natanggap natin sa ating mga ninuno. Sa panahon ngayon, marami na ang nagbago dahil sa mga salik na nagpabago ng kapaligiran. Isa na dito ay ang paglawak ng teknolohiya sa ating mundo. Dapat nating iwasan ang paggamit ng madalas sa teknolohiya upang ang ating kapaligiran ay hindi masira. 
Dapat matuto tayong magpahalaga ng mga pamana at mapapaunlad natin ito sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kaalaman tungkol dito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong kaalaman sa iba. Mapapaunlad din natin ito sa pamamagitan ng maayos na paggamit dito. Lahat tayo ay dapat na pahalagahan at pangalagaan ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan.