Monday, July 28, 2014



Pagpapahalaga sa mga Pamana ng Ating Mga Ninuno
   
   Noon, ang mga tao ay wala pang kamalayan sa mga bagay sa kanilang paligid. Nagsisimula pa lang silang tumuklas ng mga bagay na kanilang makikita sa kapaligiran na pwede nilang gamitin sa kanilang kabuhayan at iba pang aspekto ng pamumuhay.
 Sa kasalukuyan, ang mga natuklasan ng ating mga ninuno ay ating nagagamit sa pangaraw-araw nating pamumuhay. Pinapaunlad pa natin ang mga ito gamit ang mga makabagong mga bagay.
 Sa hinaharap, ating inaasahan na mas papaunlarin pa ang mga pamana ng ating mga ninuno. inaasahan natin na hindi ito maglalaho at papahalagahan pa rin ito ng mga susunod pang mga henerasyon.


Tuesday, July 8, 2014


Kahalagahan ng Pamana (Diana Paula Catubo)


Ang pamana sa kasaysayan ay isa sa mga pinakamahalagang natanggap natin sa ating mga ninuno. Sa panahon ngayon, marami na ang nagbago dahil sa mga salik na nagpabago ng kapaligiran. Isa na dito ay ang paglawak ng teknolohiya sa ating mundo. Dapat nating iwasan ang paggamit ng madalas sa teknolohiya upang ang ating kapaligiran ay hindi masira. 
Dapat matuto tayong magpahalaga ng mga pamana at mapapaunlad natin ito sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kaalaman tungkol dito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong kaalaman sa iba. Mapapaunlad din natin ito sa pamamagitan ng maayos na paggamit dito. Lahat tayo ay dapat na pahalagahan at pangalagaan ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan.